unli call text and love 3

"I LOVE YOU MINE! GOODMORNING! GISING KA NA PO. KAIN NA! MUAH!"
Yun yung unang beses na may taong naunang magbigay ng petname of TOE (term of endearment) sakin bago ako ang magbigay.. Naalala ko.. Kami na nga pala kagabi pa.. At pangalawang araw na matapos ko syang sabihan ng I hate you..
"Goodmorning! Gising na po ako.. Maen ka na po? I Love You too!"
Pagkareply nun ay napapikit ulit ako.. Binalik sa alaala kung paano nga bang naging kami..
Matapos kong sabihin sa kanya na I hate you, ay inakala ko na maiintindihan nya yung ibig kong sabihin.. Na I Love You yung totoong meaning nun.. Alam ko kasi na alam nya na mahilig akong magbiro.. Halos bawat limang minuto ay tinatry kong tawagan sya.. Pero nakapatay parin.. Kaya sinimulan ko nang magpaliwang sa text..
"Hoy! Sorry na! Para kang tanga.. Alam mo naman kung anu yung ibig kong sabihin diba? I hate you means
I LOVE YOU
I LOVE YOU
I LOVE YOU!
Wala lang talaga akong lakas ng loob na sabihin yun sayo.. Sorry na.."
Ilang beses ko syang tinext ng kaparehong mensahe.. Simula 4pm ay tinatawagan ko na sya.. 9pm na.. Malamang ay nasa debut na yun.. Tinext ko na sya sa huling pagkakataon.. Give up nako.. Bahala na.. Baka nagalit sya nung ipinagtapat ko sa kanya,,
Alam kong hindi na magriring yung phone nya pero sinubukan ko parin for the last time..
"Oh? Hello.. Bakit?"
Kumabog nanaman yung dibdib ko.. Sinagot nya yung phone..
"Oh hello.. Galit ka pa? Nasan ka na?"
"Pauwi sa bahay.. Nadala ko kasi yung phone ko.. Ibabalik ko lang.. Baka kasi mawala nanaman,, Kumain ka na?"
Kung di ako nagkakamali ay nakainom na sya.. Halata sa pagsasalita nya..
"Oo kumain nako. Uminom ka no? Nareceive mo ba yung mga text ko?"
"Medyo nakainom na.. Oo narecieve ko.."
"Galit ka ba? Okay lang kung magagalit ka.."
"Hindi ako galit.."
"Mabuti naman.. Hay para kang tanga.. Alam mo naman na joke lang yung I hate you diba? I love you yung ibig sabihin nun.. Hindi ko lang nasabi ng diretso kasi nakakahiya naman kung babasted-in moko diba? Wala akong resbak.. I Love you.. Okay lang kahit anung maging reaksyon mo.."
"Bakit ako?"
Sa totoo lang nung panahon na yun, hindi ko kaagad naisip kung anu yong isasagot ko..
"Madaming dahilan.. Kasi mabait ka, masarap kausap, marunong sa buhay, malambing, may sense of humor, mabait sa mga kapatid, at maraming pangarap sa buhay.."
"Eh marami naman ding iba dyan na ganyan din yung ugali ah?"
"Eh ikaw yung minahal ko eh.."
"Okay.. Mukhang mapaparami ata yung inom ko ngayon ah.. Sige.. Babalik nako dun.. Iiwan ko na tong phone ko ah.. Ingat ka.."
Haaay.. Kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag.. Kanina lang ay naiisip ko na na mawawala sya sakin bilang kaibigan dahil sa pinagtapat ko.. Pero ngayon alam kong hindi sya galit.. Kaya okay lang kahit friends lang kami.. Kuntento na ako kung anu yung meron kami.. Masaya naman ako..
"Okay po.. Ingat ka.. Enjoy the party.. Wag masyadong pakalasing.."
"Yun lang?"
Halah! Kinilig nanaman ako.. Anu pa bang gusto nya?
"I love you?"
"Okay.. I love you too.. Muah!"
Binaba na nya yung phone.. OMG! Tama ba yung narinig ko? Nagbibiro ba sya o dahil lang lasing sya?
Hindi ko alam kung paano akong nakatulog.. Pero sigurado akong napuyat ako nun dahil hindi mawala sa isip ko yung sinabi nya.. Hindi ako makapaniwala na may yung tao gusto ko, eh sinabihan din ako na mahal nya ako..
Kinabukasan, binati nya ako ng normal.. Inisip kong baka lasing nga lang sya.. Halos isang buong araw ko syang hindi nakausap dahil may ginawa daw sya.. Akala ko nga pinaglalaruan nya lang ako.. Kaya nung hapon na, pinaalala ko sa kanya kung anung nangyari..
"Naaalala mo ba yung nangyari kagabi?"
"Hmm tungkol saan?"
"Di mo na ba talaga maalala? May sinabi ka sakin kagabi.. Tinanong mo pa nga ako kung bakit ikaw pa?"
Nawalan nako ng pag-asa.. Siguro nga ay lasing lang sya nung mga sinabi nya yun..
"Eh bakit nga ba ako?"
Sa pangalawang pagkakataon, inisip ko ulit kung bakit nga ba siya yung minahal ko.
"Uhmm.. kasi nga, maalalahanin ka, mabait, masarap kausap, marunong sa buhay, malambing, may sense of humor, mabait sa mga kapatid, at maraming pangarap sa buhay.."
"Ah.. Ikaw naman kasi kung anu ano pa sinabi mo.. Di mo nalang dineretso.. Mahal din naman kita.. So paano yun? Tayo na ba?"
"Syempre nga kasi diba, nakakahiya naman ako pa yung nanligaw sayo.. Heheh.. Actually kagabi pa tayo na.. Eh ikaw bakit nga ba ako?"
"Hindi ko alam eh.. Basta alam ko mahal kita.. Dahil siguro araw araw kitang nakakausap, maintindihin, makulit, madaldal, sweet at pasaway.. Heheheh.."
"Ganun? Cheh! Hehehe.. I love you.."
"I love you too.."
Nasa ganun akong pagmumuni-muni ng tumunog yung phone ko..
Tumatawag sya.. Lumipas yung araw na yun na parang normal lang.. Kagaya nang nakagawian, halos bawat minuto ay magkausap kami.. Kahit nagluluto sya, nag-aayos ng damit, naglalaba or pumupunta sa tindahan eh magkausap kami.. Yun nga lang.. Kami na at Mine na yung tawag namin sa isa't isa.. Masaya ako sa unang araw namin..
May problema lang.. Paglipas ng ilang buwan ay kailangan na daw nyang mag-abroad dahil yun ang gusto ng pamilya nya..