unli call text and love 2




Hindi ko rin alam kung anung nangyari. Sinapian ata ng kung ano si kumag.

Bigla nalang syang nagbago. Simula non eh napapadalas na ang text nya.
           
Masarap din  pala sa pakiramdam na may taong isinasama ka sa pang-araw
araw nyang buhay.. Araw araw kasi eh hindi sya nakakalimot na ipaalam sa
akin kung anu na ang ginagawa nya.. Yung tipong kakain lang sya
ipinapaalam pa sakin..

Nung wala pa sya, feeling ko kaartehan lang yun kapag nakikita ako yung
mga kaibigan ko na gumagawa nun.. Hindi dahil sa naiinggit ako.. Pero
para kasi sakin, hindi na kasi talaga yun kailangan.. Pero ngayon kahit
papano, naintindihan ko na sila..


Halos gabi gabi kapag magkausap kami eh nasa isang pwesto lang ako..
Dun sa itaas ng maliit na kabinet sa kwarto.. Doon lang kasi may signal sa
kwarto ko.. Kaya kahit na medyo nakakangawit ay nasanay narin ako..

"Oy! Musta? San ka na po?"

"Pauwi na.. Kumain ka na?"

"Hindi pa po.. Kaw? Ingat ka pauwi hah!"

"Hindi parin.. Kamusta ka naman?"

"Ayos lang.. Eto kung anu-ano lang pinaggagawa.."

Ganon palagi ang takbo ng usapan..
Magkakamustahan sa araw-araw..
Pagkatapos nya magpalit ng damit at kumain eh kwentuhan nanaman kami..
Walang kasawaan.. Pareho-pareho at paulit-ulit lang naman ang
pinag-uusapan.. Magmula sa mga pangyayari sa trabaho, sa mga kaibigan,
sa ibang kasama sa clan, hanggang sa mauwi nalang sa mga usong kanta,
pelikula, tv show, saka artista.. Yung tipong may mapagkwentuhan lang..

Pero sa araw-araw na takbo ng storya, palaging may isa o dalawang oras
kada gabi na hindi mo sya makakausap.. Iyon eh
kapag nanonood sya ng mga pelikula sa channel 5. Nakakatawa.. Kasi
paborito nya talaga yun..

Masarap syang maging kaibigan.. Sa tingin ko, mas higit pa doon..
Kampante at masaya ako kung ano yung meron kami sa panahon na yon.. At
least ramdam ko na kahit papaano eh mahalaga ako sa kanya.. Tutal naman,
meron pang ibang tao na pwede kong karirin.. Ayoko talagang mawala yung
kung ano yung meron kami..

Napapadalas yung mga panahon na kunyari nagtatampo kami sa isa't isa 
kapag may hindi nagtetext..

"Ui musta?"
"Oh busy?"

after 10 mins

"Sorry po ngayon ko lang nabasa.. Musta?"

"Ayos lang.. Kaw?"

"Ayos lang din.. Heheh.. Maen ka na?"

"Opo.. Ikaw?"

after 2 mins..

"Dami ka katext ah.. hmf!"

"Ei! Sorry po late reply.. May ginawa lang ako.."

"Okay.. Ano na pong ginagawa mo?"

"Nakatambay nalang po.. Nagtetext.. Kaw?"

"Nagtetext lang din.. Sino pong katext mo?"

"Wala po.. Ikaw lang.. eh ikaw? Dami mo siguro katext no?"

"Wala rin.. Ikaw lang.."

Halos isang buwan.. Nasanay na akong ganoon.. Nandun sya palagi..
Dahil dun, medyo naramdaman kong mahal ko na sya.. Hindi ako sanay na
hindi yun sinasabi sa taong nagugustuhan ko.. Hindi ko alam kung iyon nga
ba yung dahilan kung bakit hindi ako natututunan mahalin ng mga taong
minamahal ko.. Dahil sa nauuna ako palagi..
Minsan nagpadala sya ng text.. Slamtext ata yun.. Kagaya nung mga
slambook na sinasagot natin yung mga tanong na; Who's your crush, what
is love, what is your favorite food, describe yourself na kadalasang
sinasagot ng "judge me nalang", at syempre, dedication..

Name ko sa cp mo: Karlo
What is your first impression of me?: Masungit.. Suplado.. Chickboy..
What do you like about me?: makulit, masipag magtext, maalalahanin
What do you hate about me?: wala naman
Song for me: I love you goodbye at complicated

Iyon yung sinagot ko at ipinadala ko rin sa kaya.. Hindi nya nireplyan..
Nagtampo ako kunyari dahil madaya sya.. Sabi nya binura na raw kasi
nya.. Kaya dalawang beses ko atang sinend pabalik yun sa kanya.. Pero
hindi parin nya nareplyan dahil napuputol daw.. Kaya tumawag nalang sya
para sabihin yung sagot nya..

"Anu yung song mo for me?"

"Alam mo yung song ni Mariah Carey? Yung Thank God I Found  You?"

Sobrang kinilig ako dun.. Kung pwede ko lang irecord yun, nirecord ko na
sa 3310 ko.. Kinanta nya pa yun.. Hindi sya magaling kumanta kaya ako
nalang nagtuloy.. Simula nun, ganoon na kami.. Araw araw nagtatanong
kung anung kanta namin sa para sa isa't isa.. Dahil dun, maraming kanta
ang naging special sakin.. Doon ko mas naramdam na maaari kaming
maging higit sa magkaibigan..

Kaya sinimulan kong iparamdam at sabihin sa kanya na mahal ko na sya..
Sa paraang hindi nya malalaman kaagad.. Sa mga pamamagitan ng
paggamit ng iba't ibang salita.. Wo ai ni, Ay ayatenka, Je t'aime, IOU (i love you sa text)..
Hindi ko alam kung naiintindihan nya.. Pero pakiramdam ko, alam nya..

Isang araw, May isa sa kabilang clan ko ang nagustuhan ko.. Sinabi ko sa
kanya na mahal ko sya.. Sabi nya, kung seryoso daw ako, kami na raw..
Hindi raw sya sanay sa ganung relasyon.. Pero pipilitin nya.. Naging kami..
Araw ng Sabado.. Tinawag ko syang Nhie..

Nagresign na sa trabaho nya si Karlo.. Nagpatuloy parin kami sa ganoong
relasyon.. Magkaibigan.. Pero alam ko mahal ko sya.. At kahit papano,
nararamdam kong mahal nya rin ako.. Kinabukasan, halos buong araw parin
kaming magkausap.. Ganun parin.. Halos wala na kaming mapag-usapan..
Sabi nya may pupuntahan daw syang debut.. Kaibigan nya.. Umaga na raw
sya uuwi.. Maaga pa nung pinaalam nya sakin yun.. Baka raw kasi hindi na
kami magkausap sa hapon dahil nga maghahanda pa sya.. Dahil dun,
naisipan kong sabihin sa kanya sa na mahal ko sya, sa paraang hindi
kaagad nya malalaman.. Kaya hinintay ko maghapon.. Nagkausap ulit kami
hanggang sa nagpaalam na sya na maghahanda na..

"Okay sige.. Ingat kaw huh! Wag masyado magpakalasing.."

"Okay po sige.. Kaw din.. Kain ka ng dinner huh!"

"Okay. Karlo, may sasabihin ako sayo.."

"Anu yun?"
Dinig ko sa boses nya ang pagsabik sa sasabihin ko..

"I hate you.."
Sinabi ko yun ng nakangiti.. Alam ko, na maiintindihan nya yung gusto
kong sabihin.. Na kabaligtaran nun yung nararamdam ng puso ko..

"Ah ganun ba? I hate you too.."
Sabay baba ng telephone.. Hindi nya ako naintindihan..

Tinawagan ko sya.. Patay na yung phone..

Itutuloy...