I'd still say yes..
Gusto ko na tong kantang to noon pa.. Bago ko pa sya makilala..
Pangarap ko na talaga na may taong mangharana sakin gamit ang kantang ito..
Simple lang naman ako.. Isang ordinaryong teenager.. Masayahin, nag-aaral, palakaibigan, at gumigimik paminsan-minsan.. Pinalilipas ang libreng oras sa pagtambay sa harap ng computer or sa kapipindot ng cellphone.. Syempre, meron ding mga problema.. Sa pamilya, kung minsan sa pag-aaral, at higit sa lahat, sa pag-ibig at crushes.. Isa sa pinakamakulay na parte ng pagiging bata eh yung pagsisimula ng pagtuklas sa katagang “pagmamahal”.. Hindi rin mawawala sa stage na to yung pagiging curious sa mga bagay-bagay, at pagiging excited na malaman at maexperience ang lahat.. Mapusok ika nga.. Ito din yung mahirap na parte kasi akala natin alam na natin yung lahat.. Na matanda na tayo at alam na yung ginagawa natin.. At kung umamin man tayo na hindi pa natin alam ang isang bagay, eh hindi tayo titigil hangga’t di natin nakukuha yung sagot.. Dahil dun ginagawa lang natin yung gusto natin.. Madalas hindi nag-iisip.. Kaya hindi palaging maganda yung kinahahantungan ng ginawa natin.. Tuloy, madalas, nasasaktan tayo at nagsisi sa banding huli, iniisip kung ano kayang nangyari kung hindi tayo nagpadalos-dalos.. Pero isa lang yung sigurado.. Sa stage din na to tayo pinakamaraming natututunan.. Mga bagay na nadadala at nagagamit natin hanggang sa pagtanda..
Toot toot..
One message received.
Kahit basa pa yung kamay ko ng sabon, eh tinigil ko na yung paglalaba para lang icheck kung sino yung nagtext. Iniisip ko kung sino nanaman kaya yung nagtext. Halos bawat limang minuto kasi eh tumutunog yung cellphone dahil sa mga text ng kung sinu-sino sa kung anu-anong clan sa cellphone na sinalihan ko.
“Ohayo Gosaimazu!”
Si Karlo..
Nakapagtataka na nagtext sya ngayon kahit hindi pa ako nagdyi-GM dahil nga umaga pa. Madalas kasi, kahit naka-isang daan na akong mensahe sa kanya eh hindi sya nagrereply.
“Good morning din! Musta?”
Simple lang yung reply ko at pabalik nako sa likod ng bahay para balikan yung iniwan kong labahin. Alam ko naman kasing hindi na ulit sya magrereply. Ganun naman yun eh. Hanggang isang text lang ata sa isang araw.
Pero hindi pako nalalabas ng pinto eh nagring na ulit yung phone ko. Nagulat ako kasi hindi para sa text yung tone na naririnig ko. May tumatawag.
Si Karlo ulit..
Napaisip ako kung bakit pero hindi ko na pinagtuunan pa yun nang pansin. Sinagot ko na yung phone. Sa totoo lang excited ako kasi first time kong maririnig yung boses nya.
“Hello? Kamusta? May ginagawa ka ba?”
Yun ang unang beses na narinig ko yung boses na yun. Yun boses na sya palang magtuturo sakin kung paano talaga yung pakiramdam ng nagmamahal at minamahal.
Naalala ko tuloy kung paano ko sya nakilala..
Patapos na nun yung bakasyon. Sa kasamaang palad eh hindi ako makapag-aaral sa pasukan dahil sa kakulangan ng pera. Parang tanga. Nung mga panahon na gusto kong mag-trabaho muna eh kinailangan kong piliin ang pag-aaral. Pero kung kelan naman pursigido akong matapos sa loob ng isang taon ang kurso ko, eh saka ko naman kinakailangang tumigil. Haaay..
Isang araw tinext nalang ako ng dati kong classmate. Kung gusto ko raw ba sumali sa clan nila sa SUN. At dahil nga wala naman akong masyadong pagkakaabalahan eh pumayag narin ako. Isa si Karlo sa mga myembro ng clan na yun. Virtual Hauz ata yung pangalan ng clan nila. At walang code name code name. Hindi ko kaagad sya nakaclose kasi medyo suplado sya nun. Sa kanilang lahat eh sya yung pinakamadalang magreply. Mabuti nalang okay yung clan. Di nagtagal eh nakasanayan ko na rin sila at bukod sa clan nila eh sumali pa ako sa ibang clan na kinabibilangan din ng isang myembro sa clan na yun.
At dahil nga si teenager pa, eh masyado akong nahook sa mga clan. Madami akong naging kaibigan, kaasara, kakulitan. Natuto akong magkagusto sa kung sino-sino sa clan. Ilang beses din na sa tingin ko eh nasaktan ako dahil sa kanila. Pero alam ko naman na wala lang yun. Yung tipong para akong natalo sa laro pero select new game lang ulit. Paulit-ulit lang yung mga nangyari. Mabuti nalang hindi ako kaagad nakapag-invest ng pagmamahal sa kahit isa sa kanila.
One day, nakuha ko yung friendster ni Karlo. Asar ako nun sa isang cute na myembro nung iba kong clan kaya sabi ko sa sarili ko, sya nalang yung crush ko. In fairness cute din kasi sya. Maganda yung smile nya at napaka-amo nung mata nya. Yung matang tipong hindi mo pagsasawaang titigan. Sabi ko pwede na toh. Eto nalang kakaririn ko.
On that day din eh merong Eyeball. First time kong sumama. Sa kasamaang palad eh nawala pa yung cellphone ko pauwi. Mabuti nalang may mga sina-sanla na phone sa bahay. So back to business din ulit after that day.
The next day, si Karlo naman ang nawalan ng cellphone. Sabi ko, malas naman.. So pinabayaan ko nalang..
Ilang linggo din ang lumipas. Marami naring nangyari.
Tapos na ulit ako kunyaring mainlove at masaktan.
Okay na yung buhay ko. Meron akong isang taong nagugustuhan nung panahon na yun. Isang taong sobrang bait sa text.
Then I got a message from the president of the clan where I and Karlo belong.
May new number na daw siya (Karlo). So tinext ko agad, at nagreply naman sya. But just the same, ganun parin sya magreply. Walang kainte-interes. So sabi ko, pabayaan ko nalang ulit. And I started texting him again on his new number.
“Ayos lang. Eto katatapos lang maglaba. Ikaw? Musta?”
Sa totoo lang eh halos wala pa sa kalahati yung nasisimulan ko sa mga damit.
“Ayos lang din. Kagigising lang. Ang aga mo naman maglaba?”
“Ah oo. Medyo matagal narin kasi akong hindi naglalaba. Kumain ka na?”
Ganun ako palagi. Hindi ako nagtatapos sa closed sentence. Laging may tanong sa dulo.
“Hindi pa kasi kagigising ko pa lang diba? Heheh! Ikaw?”
“Ay sori. Oo nga pala. Heheh! Tapos na. Mabuti may phone ka na? Gaya gaya ka din eh noh? After kong mawalan ng phone, ikaw naman yung sumunod. Heheh!”
Ganun talaga ako kadaldal. Gusto ko kasi humaba yung conversation kapag masarap kausap yung nasa kabilang linya.
“Heheh! Oo nga eh. Nahold-up kasi ako. Buti nalang nakita ko tong lumang phone ko kaya nagamit ko ulit. Ahm, wait lang ah. Tinatawag na kasi ako para kumain. Tawag nalang ulit ako mamaya. Sampay mo na yang mga nilabhan mo. Heheh.”
“Okay. Pakabusog! Text text nalang.”
“Sige.. Bye!”
Binaba na nya yung phone. Medyo malungkot ako kasi sandaling sandali yung pag-uusap namin. Pero in fairness, cute yung boses nya. Medyo maliit at mahahalata mo pa yung kabataan. Gusto ko pa talaga syang makausap. Pero naisip ko, baka naman nadis-appoint sya sa boses ko. So sabi ko, pabayaan ko nalang ulit.
Nagpatuloy ako sa paglalaba.. Ibinuhos yung oras sa mga damit na kaya na yatang tumayo mag-isa sa sobrang dumi..
Alam kong hindi na ulit sya tatawag.. Lagi naman..Pero nagulat ako dahil after one hour ata eh tumawag ulit sya. Naexcite tuloy ako. Kinabahan. Bumilis nanaman ang takbo ng puso ko…
Alam kong hindi na ulit sya tatawag.. Lagi naman..Pero nagulat ako dahil after one hour ata eh tumawag ulit sya. Naexcite tuloy ako. Kinabahan. Bumilis nanaman ang takbo ng puso ko…
Sinagot ko na yung tawag nya....
Itutuloy..
No comments:
Post a Comment
Hi! Thanks for visiting my blog.. Hope you can leave a word.. take care!