Yuan..

Pagbukas ng kurtina, makikita mo na kaagad akong nakaharap sa salamin.. Tinititigan ang buo kong katawan.. nag-iisip.. nagmumuni-muni..
Hindi ko alam kung anung meron sakin.. kahit kailan ay hindi ako nahirapan makahanap ng kaparehang lalaki.. Oo nga't madalas akong iniiwan at ipinagpapalit sa iba, pero madali ko rin naman silang napapalitan..
Ilang beses narin akong pumasok sa pakikipagrelasyon..
Halos lahat ng klase ng relasyon natry ko na..
Seryoso, fling, patago, open, cyber at sa text..
at sa dami ng relasyon na yun, hindi ko alam kung may natutunan ba ako..
Kahit kasi isa sa kanila, walang magandang kinahantungan..
Alam kong wala sa akin ang problema..
Mabait naman ako, masayahin, madaling kausap, ,maalalahanin,
magaling makisama, matalino, at kahit papaano ay may itsura..
Gusto ko lang naman ay magkaroon ng isang matinong relasyon..
Isang relasyon na magtatagal.. Relasyon na maipagmamalaki ko..
Isang relasyon na matatawag kong totoo..

**si lau at si herbie**
Gwapo, nakakatuwa, mabait, masarap kausap, at palaging nandyan..
nakilala ko sya kompanya na pinagtrabahuhan ko.. Kalapit lang kasi ng desk ko yung desk nya.. Pero magkaiba kami ng supervisor at ng team..
simula ng batiin ko syang minsan eh lagi nya na akong nginingitian kahit hindi pa kami magkakilala.. At di nagtagal eh bigla nalang syang nagtext.. Nakuha daw nya yung number ko sa facebook.. Kaya nireplyan ko narin dahil nga nacucute-an naman ako sa kanya..
Sa tuwing nagtetext ako eh hindi sya pumapalya sa pagrereply..Kung may mga pagkakataon man na natatagalan sya sa pagreply, eh palagi naman syang nagsosorry at nagpapaliwanag.. At kung ako naman ang hindi nakakapagreply ay hindi ko kinakailangang magpaliwanag.. Kahit matagal ko syang hindi itext eh sige parin sya at walang sawa sa pagtetext sakin..
Nararamdaman kong gusto nya ako..
Isa lang ang problema.. May asawa at anak na sya.. at babalik na sya sa probinsya.. Alam ko dahil lahat ay sinasabi nya sakin.. Halos lahat ata ng ginagawa at gagawin pa lang nya ay ipinapaalam nya.. Para bang karelasyon ko sya na lahat eh kailangan kong malaman.. Sya si Lau..
"Ang hirap mong intindihin.."
Yan ang lagi kong sinasabi sa kanya.. Sya si Herbie isang manager..
Nakilala ko sya  sa isang event.. Di ko sya noon kilala nung bigla akong nagpacute sa kanya.. Ginawa ko yun kasi napansin kong tinitignan nya ako.
After a month ay nakita ko sya ulit.. Sa labas ng building kung saan ako nagtratrabaho.. Napag-alaman kong doon din pala sya nagtratrabaho sa building na yun.. Niyaya nya akong kumain sa labas.. So pumayag naman ako dahil uwian ko naman na.. After nun eh hinatid nya ako..
Pagdating ko sa bahay ay may nareceive agad akong text sa kanya.. At sinimulan ko nang sagutin yung mga texts nya..
Halos araw-araw pagkatapos nun eh inaabangan na nya yung uwian ko at hinahatid nya ako sa sakayan.. Para syang nanliligaw..
Sa unang linggo eh napakasipag nya..
Masipag sya magtext, palagi akong tinatanong kung kumain na ba ako at kung anung ginagawa ko.. Halos gawin nya lahat para suyuin ako...
Nakakatuwa din sya.. Palaging nakatawa pag kaming dalawa nalang..
Magkasundo kami sa mga bagay-bagay.. Kahit na mas matured sya mag-isip eh ayos lang kasi marami akong natututunan sa kanya.. Naramdaman ko nalang na mahal ko na sya.. Noon ko nalang yata ulit naramdaman na talagang nagmamahal ako..
Pero walang kompirmasyon na nanliligaw sya..
Laging nandyan si Lau.. Wala akong kailangang gawin para maramdaman sya.. Ipinaparamdam nya palagi sakin na espesyal ako.. Na gusto nya ako.. Sa tuwing nagkikita kami ay hinawakan nya yung kamay ko at kung minsan ay pabiro akong niyayakap..
Pagkatapos ng halos dalawang linggo eh parang nagbago sya.. Isang buong araw ko ng tinetext si Herbie ay hindi ko parin nakikita yung pangalan nya sa new message list ko.. Hanggang dumating sa puntong halos parang ako nalang yung umaasa at nag-eeffort sa kanya.. Ilang beses ko rin syang dinalhan ng pagkain dahil alam kong hindi sya kumakain bago pumasok.. Masaya akong ginagawa yun para sa kanya.. Pero parang kahit papano eh sana gawin din nya sakin yun nang mas madalas, o higit pa..
Malapit ko ng mahalin si Lau..
Pero mahal na mahal ko na si Herbie..
Alam kong mahal ako ni Lau..
Hindi ako sigurado kung mahal ako ni Herbie dahil hindi nya naman sinasabi.. Kahit pa Bhe ang tawag ko sa kanya, at sa pangalan nya naman ako tinatawag..

**Si Kris at si Kar**
Hindi ko alam kung ako ba si sleeping beauty at sila yung dalawang fairy Godmother ko, or ako si Cinderella at sila yung mga evil stepsisters ko..
Si Kar.. Isang taong palagi kong kasama sa mga fiasco ko..
Kasundo ko sa lahat.. Kaisa-isang taong sumasama sakin pag gusto kong magpausok.. Alam nya lahat ng nasa isip ko.. Kilala nya lahat ng mga naging crush at present crushes ko.. Kasama ko sya sa pagpapacute sa kanila.. At sumasang-ayon lang sya sakin.. Maliban nalang pag hindi nya type yung itsura ng nagiging crush ko..
Alam nya rin yung tungkol kay Herbie at Lau.. At kinukunsinte nya lang ako.. Pero sa tuwing maglalabas ako ng hinaing tungkol sa hindi pagpaparamdam ni Herbie eh isa lang ang lagi nyang sinasabi.. Na sundin ko raw kung ano yung gusto ko.. At madalas pinababayaan nya lang ako kay Lau dahil daw matanda na ako..
Si Kris.. Sa tuwing kinukwento ko sa kanya yung tungkol mga crushes ko at kung paano ako magpacute sa kanila, eh isa lang ang sinasabi nya.. Na malandi daw ako at dapat ko na raw tigilan si Lau at yung iba pa kung talagang seryoso ako kay Herbie.. Palagi nya ako kinokontra pag tungkol sa ibang lalaki na yung pinag-uusapan.. At kahit kelan ay hindi nya ako kinunsinte kagaya ng pagkunsinte sa akin ni Kar.. Pero kilala nya si Herbie at madalas silang nagkikita. Kaya palagi nya sakin sinasabi na madalas, ay may nakikita syang kasama nitong kumakain na silang dalawa lang.. Marami din syang sinasabi tungkol dito na nagpagulo ng isip ko kung itutuloy ko pa ba kung anu man yung meron kami.. Dahil sa kanya ay lalo akong nawalan ng kasiguraduhan..
Umalis si Kar panandalian.. Nawalan ako ng makukwentuhan tungkol sa mga boys ko..
Mas madalas kong nakakasama si Kris at palagi nya akong pinagsasabihan..
Wala na akong kakampi tungkol kay Lau at sa iba pa..

**Si Consencia**
Mahal ko si Herbie kahit hindi pa kami..
Palagi nyang sinasabi na gusto nya munang ayos na ang lahat bago sya manligaw.. Pero palagi nyang sinasabi sa akin na wala akong dapat ipangamba.. Pero kahit kailan ay hindi nya pa sinabi sa akin na "I LOVE YOU".. Tinutulungan nya din naman ako sa halos lahat ng bagay.. Pag may problema ako at may panahon sya eh sa kanya ako tumatakbo.. Pag nagigipit ako sa pera eh hindi ko na kinakailangang magsabi sa kanya at kusa nya na akong pinahihiram..
Mahal ako ni Lau kahit alam naming hindi pwedeng maging kami..
May asawa sya at may almost-boyfriend ako.. Kahit kelan eh hindi ko inisip na magugustuhan talaga nya ako.. Pero hindi sya tumigil sa pagiging sweet sakin..
Madalas kong inaaway si Herbie dahil sa nababalitaan ko galing kay Kris..
Dahil din doon ay ilang beses ko narin tinangkang iwanan sya..
Pero sa tuwing gusto ko nang bumitaw eh palagi nyang hinawakan yung kamay ko para humawak ng mas mahigpit..
Hanggang sa dumating din yun oras na hinihintay ko..
Tuwing nagtatampo ako sa kanya ay pumunta sya sa bahay.. Kung kaya ilang beses ko na rin syang naipakilala sa pamilya ko at nakasiping..
Pero nung nakaraan nya palang nasabi yung salitang "I LOVE YOU"..
Pero wala parin syang sinabi na kami na.. Kung kaya naguguluhan parin ako..
Nasa harap parin ako nang salamin nung bigla akong makatanggap ng message galing kay Kar.. Updated parin sya..
"Wag mong gawin sa iba yung ayaw mong gawin nila sa iyo.."
Alam kong naniniwala sya dun.. Pero hindi ko sya maintindihan kaya tinawagan ko sya.. At pinarealize nya sakin na wala talaga akong dapat ika-paranoid.. Na baka naiisip kong may ibang kalandian or karelasyon si Herbie dahil iyon din ang ginagawa ko.. Na kung ayaw kong magduda na may kung sinu-sino itong kasama ay dapat ko rin itigil ang pagtingin sa ibang lalaki.. Kahit pa nagpapacute lang ako..
Kahit papano ay naisip kong tama sya..
Na baka naman takot lang ako na may gawin sya, kasi may ginagawa ako..
Napagdesisyonan ko nang itigil ang lahat tungkol sa iba.. Kasama na si Lau.. Simula ngayon ay si Herbie nalang ang iisipin ko.. Titigilan ko na ang pagdududa at magsisimula kami muli.. Kakalimutan ko na yung binibintang ko sa kanya kahapon at hihingi ako ng tawad..
Biglang nagtext si Lau.. Nagpapaalam.. Nasa bus station na raw sya at uuwi na ng Mindoro para magteacher at makasama ang pamilya nya..
Nireplyan ko kaagad sya.. Nagpasalamat ako sa lahat..
Nagbihis na ako.. Pupunta ako ng bus station kagaya ng nakagawian.. Ngayon din kasi ang araw ng pag-uwi ni Herbie sa Bulacan.. At nakasanayan ko nang samahan sya sa bus station.. At sya ang pinili kong ihatid..
Humahangos akong dumating sa stasyon.. 3:00 ng hapon.. Kakaunti nalang ang tao dahil halos lahat ay nakasakay na sa bus..
Pagkita ko palang sa kanya ay nakita ko na ang malaking ngiti sa kanya ng makita nya rin ako.. Ngayon ko lang syang nakita na ganoon kagwapo sa suot nyang blue shirt at rugged jeans..
Paglapit ko sa kanya ay hinalikan kaagad nya ako sa labi..
Hindi nya alintana kahit may ibang taong nakatingin..
Pagkatapos ng halik na yon ay sisimulan ko na sanang humingi ng tawad sa kanya nang bigla nyang hinawakan yung kamay ko..
Ang gwapo talaga nya habang nakangiti.. At lalo kong naramdaman kung gaano ko na sya kamahal..
"Bhe, I LOVE YOU..
At gusto ko lagi kang masaya..
Alam kong madalas mong hindi nararamdaman na mahal kita at mahalaga ka sakin.. Gusto ko lang malaman mo na simula palang nung araw na makita kita sa event ay minahal na kita.. Masyadong marami lang talagang akong naging problema at ayokong madamay ka dahil alam kong hindi rin naman madali yung buhay mo..
Palagi mong sinasabi na nahihirapan ka na.. Patawad kung nagkulang ako sa'yo.. Dahil sa trabaho ko, hindi ko naibigay ang lahat ng oras ko sayo.. Pero sinubukan kong gawin lahat para lang mapunuan yon.. Kung pwede ko nga lang sana hatiin sa dalawa yung katawan ko, ginawa ko na makasama lang kita bawat minuto.. Patawad kung nasaktan kita dahil sa mga bagay na nabalitaan mo.. Pero sana maniwala ka na kahit kelan hindi ko ginusto na lumuha ka.. At sa'yo ko lang binigay yung puso ko sa mga panahong magkasama tayo.. Hindi lang kita inangkin kasi ayokong matali ka at isarado yung sarili mo sa ibang tao.. Ilang beses ko rin hiniling kay God na sana sakin ka nalang..
Pero madalas mong sinasabi sakin gusto mo ng kasiguraduhan at hindi mo yun sakin maramdaman..Kaya ibinibigay ko na yun sa'yo..
Bhe, sana lagi mo tatandaan na ikaw ang pinakamahalagang tao sakin at mahal na mahal kita.. Ayokong nakikitang nahihirapan ka..
Kaya pinalalaya na kita..
Aalis nako.. Pero iiwan ko sa'yo yung puso ko..
Salamat sa lahat.. BHE, I LOVE YOU.. and I WILL ALWAYS LOVE YOU.."
Sa huling pagkakataon ay naramdaman ko yung dampi ng mga labi nya sa kamay ko..

**Si Herbie**
"Ang hirap mong intindihin" yan ang palagi kong sinasabi sa kanya..
Pero siguro nga ako yung mahirap intindihin.. Dahil kung tutuusin ay madalas, ako ang may kasamang iba, at hindi sya..
Pero kasabay ng pag-intindi ko ng kamalian ko,
eh saka ko lang naintindihan na nawala na yung taong mahal ko..
Na minahal din ako.. Isang pagmamahal na wala mang confirmed na relasyon ay alam kong totoo.. Isang relasyon na puso lang ang nagkasundo..
Halos isang buwan na ang nakalilipas at wala parin akong balita tungkol sa kanya.. Pilit kong tinatawagan yung cellphone nya pero parang nagbago na sya ng sim.. Hinayaan ko syang umalis dahil alam kong babalik sya.. Kagaya ng lagi nyang ginagawa.. Pero matapos ang isang linggo ay nalaman kong nagresign na pala sya sa kompanya nung mismong araw na inaway ko sya dahil nabalitaan kong may kasama syang iba..
Dahil dun ay tinuon ko nalang muna ang sarili ko sa pagtratrabaho..
Sa pagmumukmok sa kwarto.. Nagmistulang laruan yung cell ko dahil halos hindi ko na to ginagamit..
Tumingin ako sa relos at kalendaryo.. 12am eksaktong isang buwan na simula nang umalis sya.. Muli kong tinungo ang sulok.. Paghawi ko ng kurtina ay napatitig ako salamin..
Muli akong napaiyak.. Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko..
Ipinikit ko ang mga mata ko.. Mahal ko talaga si Herbie.. Sya ang gusto kong makasama.. Pero huli na talaga ang lahat.. Hindi na pwede.. Ngayon alam ko na kung bakit hindi sya nagtetext.. Nakapikit parin ako pero hindi mawala sa isip ko ang nakita ko.. Hanggang sa naramdaman ko ang lamig na nanunuot sa aking katawan.. Binuksan ko na ulit ng dahan-dahan ang mga mata ko.. At nakita ko syang nakayakap sakin.. Malungkot ang mga mata..
Suot yung blue shirt na suot nya nung umuwi sya..
Ramdam ko, mahal nya parin ako.. Kahit na patay na sya..