umaga na.. pawala na yung bagyo.. okay na yung panahon..
haaay mabuti pa yung panahon.. sana ako din..
as usual, late ako kahit sa training.. medyo may baha sa daan kaya nagtraffic.. and i took an fx from litex to quezon ave. so i could ride the train to shaw..
eeenk! "NO OPERATION DUE TO POWER FAILURE".. yan kaagad yung nabasa ko sa escalator.. buhay nga naman.. wala nakong barya.. ang natitira nalang eh yung isang libong pinakaiingat-ingatan ko.. i was already an hour late at that time kaya wala nakong choice.. tutal kanina pa nakabalandra si manong sa tapat ng mrt station eh dito nalang ako.. so i was forced to take a cab up to shaw blvd.. anak ng pating.. isang daan kaagad.. pagdating ko sa office eh wala pang nasisimulan sa training.. GOOD JOB!
then after an hour eh dumating na tong si MCDO.. magkasama sila kahapon hanggang kaninang umaga ni cheese.. kinilig nanaman ako kasi alam kong magkwekwento sya tungkol kay QUEZO.. kaso base sa mga kwento nya, at dahil narin sa pagpapakamatay namin sa the bar at RH nung nakaraang araw, eh medyo nahimasmasan na ako at natauhan.
LUNCH BREAK..
nadedepress nako dahil sa pakiramdam ko liar sya.. kulang nalang ay burahin ko na yung number nya sa phone ko..
(Check ng phone.. 1 MESSAGE RECEIVED)
nagtext sya.. nagpaliwanag ng kaunti..
so everything about the "moving on" that i was planning to do suddenly got deleted.. bago nanaman yung naiisip ko.. heto nanaman.. parang nawala na yung kantang "art of letting go" at napalitan ng "i'll never go"..
kung gaano kagulo yung buhok ko, ganun di kagulo yung isip ko.. i was again happy and considering the text..
so reply ako.. SMILE!!! ayaw magsend.. haaaayz wala nang load.. so sige papasa sa friend na may 100 load.. SMILE ulit!!! blocked sya from share a load.. so knowing that there's a reload station in the mall, i went to it and tried to reboost my acct.. SMILE for the last time!!! "wala po kaming load.." sagot sakin nung babaeng nagtitinda.. haaay talaga naman.. so balik nalang ako sa pagbili ng foods.. umorder ako sa jollibee.. with extra rice.. at tyempo, nabuhos yung coke.. galing talaga! at hindi ko naubos yung binili ko..
finally, nakapagreboost ako thru my friend M.C. dahil tinext ko si mama and she failed to send me a load.. (i tried to use MAC's phone to send my mom a text kaso nung isesend ko na, nadrain ung batt.. GOOD JOB diba?) natext ko narin sya..
and of course, the lunch break has also ended..
so i was in the middle of the conversation with MCDO and we were viewing QUEZO's profile nung negtext sya.. so text text kami ulit.. then i just realized, wala syang sinasagot na tanong ko maliban pag tungkol sa friend nyang si MCDO.. then i started to ask MCDO.. "do you think something has changed?" sabi naman nya, "no.. nothing.."
so ako naman, hala sige.. dahil libre ang umasa, text parin sa kanya.. but we continued to talk about other people..
hindi naman sya ganun dati.. lagi nyang sinasagot yung tanong ko at nagtatanong pabalik..
so i just gave up.. nadepress ulit.. and i ended up being called dahil sa ako na pala yung magrerecite at hindi ko naririnig yung trainer, and i wasn't able to take my 2nd break kasi i had to type this..
kagaya ng sinabi ko sa text, AYT.. BACK TO TRAINING..
during my second break, tinext ko sya.. at nagtext naman sya.. pero ayoko na munang umasa.. again, it's a battle between false hopes and demotivation..
at may pink flamingo na nag-iinarte malapit sakin.. tinanong ko sya tungkol sa fb nya at akala mo kung sino sya.. ayaw ibigay.. fine! baboy!! hahahah!!
LOG-OUT!!!
july 14, 2010
BLACKBERRY TRAINING
No comments:
Post a Comment
Hi! Thanks for visiting my blog.. Hope you can leave a word.. take care!