Bakit kaya ganun noh?
Sabi nila, kahit daw sa love,
meron ding karma..
Eh bakit ganun?
may mga tao na first time nila nagmahal pero nasaktan kaagad sila?
They keep thinking na next time, magiging okay na.. Yung tipong good karma naman..
Pero hindi rin.. May mga iba sa kanila, ganun parin.. Sila parin yung nasasaktan, naiiwan..
Naaalala ko dati yung quote na pinasa sakin..
Sabi dun, "Don't let the first person that you would love hurt you.. because if you do, mauulit lang yun sa susunod.. Sasaktan ka ulit ng mga taong mamahalin mo.."
After nun, sinisi ko yung unang taong minahal ko.. Sabi ko, siguro kaya ako sinasaktan o nasasaktan ng mga taong minahal ko, eh dahil sinaktan ako nung unang taong yun..
Simple lang naman yung gusto ko..
Yung tipong meron lang taong mamahalin ko, mapapakitaan ng concern.. Maaalagaan..
Who would appreciate it, and do the same..
Hindi ko naman kailangan ng may good looks.. Siguro dahil alam kong wala rin naman ako nun.. Hopeless romantic talaga ako.. Yung mga dream dates ko eh yung mamasyal sa Antipolo or sa Tagaytay.. Yung umupo sa may overlooking at manuod ng stars all night.. Yung manood ng concert or sine kasama sya.. Mamasyal sa mga kaibigan namin sakay ng motor or kotse nya.. Basta makasama lang sya.. Mga bagay na para sa iba eh normal lang.. Gusto ko yung may taong nadadalhan ko ng foods, who would appreciate it.. Yung taong maipaparamdam sakin na kagaya ng pagmamahal ko, eh meron ding taong ayaw akong masaktan, at handang gawin ang lahat para wag mangyari yun.. Someone who could make me feel secured, that i, also, deserve to be loved and be happy..
Kagaya kasi ng marami, ako yung tipo ng taon na hindi naman namimili ng mamahalin.. Siguro ng crushes, oo.. Pero once na may nagpakita na ng kabaitan, at once nasobrahan na ako sa pag-appreciate nun, eh naiinlove kaagad..
Yun nga yun mali.. Kasi masyadong mabilis mainlove, unang buhos palang, nilalahat na.. Buong puso, iniinvest..
Ewan ko.. Pakiramdam ko kasi, hindi mo nga yun choice.. Yung mahalin yung tao.. Bigla mo nalang yun mafe-feel.. Sabi ko nga yung tipong sa una, akala mo hindi mo mahal yung tao.. Crush mo lang.. Magugulat ka nalang, isang araw, hinahanap mo na sya.. And unnoticebly, gusto mo nang makasama sya palagi.. And the next thing that you would know, umiiyak ka na kasi hindi mo na pala kayang malayo yung tao sayo..
Hindi ko alam kung nasa akin ba yun mali..
Ako kasi, kaya at handa kong gawin lahat para sa taong mahal ko..
I could wait for the person.. Madalas nga mali na yung paghihintay ko..
I could change myself para lang walang mahirapan.. For me, walang incompatibility issues.. Kung anu yung gusto ng taong mahal or gusto ko, eh pinipilit ko ring gustuhin.. Kung gusto nya ng rock, alternative or even mga old songs, pinipilit kong iappreciate at pag-aralan.. Kung anu yung kayang gawin ng mahal ko, kinakaya ko rin..
Dati pa nga, nag-aral din ako mag-mandarin kasi chinese sya.. Gusto ko pag nameet ko yung family nya, kaya ko rin mag mandarin.. Nag-aral din ako maggitara kasi marunong sya nun..
Yun lang yung nakakatuwa pag nainlove ka.. Ang dami mong natututunan mula sa taong yun..
I could always understand and forgive.. Hindi rin madali para sakin ang pagpapatawad.. Mas madali lang talaga siguro para sakin ang umintindi.. Lagi akong nagbibigay ng second chance.. Onset of the situation, magagalit ako.. Pero just after a while, eh pinipilit kong intindihin kung bakit nya yun ginawa.. Bata pa kasi ako, ganun nako.. Tumatak kasi sakin yung sinabi ni mama dati.. "Bago ka magalit or bago mo sya pagalitan, tanungin mo muna sya kung bakit nya yun nagawa.." Kaya eventually eh napapatawad ko sila kaagad.. Pero i always remember what they did.. Pero hindi naman para isumbat..
I know how to believe and be faithful.. Mabilis akong magselos, oo.. Pero normal lang naman yun kung yung taong mahal mo eh hindi ka sinesecure na mahal ka nya at hindi ka nya sasaktan.. Kaya nga para sakin, walang masama sa word na insecure pagdating sa love.. Kasi yung meaning nung word para sakin eh, yung hindi ka lang kampante.. Kasi nga, hindi mo nafefeel yung security.. Kasi hindi nya pinararamdam yun sayo.. Pero ako, marami din akong crushes.. At bulgar yun sa lahat.. Eh ginagawa ko lang naman yung kasi hindi ako committed.. Pero once nagmahal nakoh, ganun parin.. Madami parin ako crushes.. At sinasabi ko parin yun sa marami.. But in reality, isa lang yung taong pinagtutuunan ko ng pansin.. At mararamdaman nya na kahit isang daan ata ang crushes ko, eh sya lang yung importante sakin.. Na mahal ko sya, crushes lang ang iba..
Hindi ko alam kung iyon ba yung problema.. Kung may mali ba sa ginagawa ko..
Pero kahit pa marami na akong taong minahal at kahit na sa lahat ng yun, sadya man nila o hindi ang masaktan ako, eh hindi parin ako natatakot na magmahal..
Alam kong walang fairytales.. But i believe in karma..
Naniniwala ako na darating din yung panahon na babalik sakin lahat ng pagmamahal na binigay ko..
Wala mang magic, naniniwala ako na darating parin yung taong yun..
Na magmamahal sakin, at magpapapaniwala sakin na merong true love para sakin.. Sa panahon siguro na talagang suko na ako..
At kung sa dulo eh hindi man sya dumating, eh at least napapaniwala ko yung sarili ko hanggang sa huli na merong ganun.. At least naging masaya ako sa isipin na yon..
No comments:
Post a Comment
Hi! Thanks for visiting my blog.. Hope you can leave a word.. take care!