“Lam mo mag-abroad ka.. Sigurado marami kang magiging boyfriend dun..”
Nagulat ako dahil nanggaling yun sa isang taong hindi ko naman kakilala.. Isang driver ng nasakyan kong fx kanina papuntang trinoma.. Nakakatawa dahil nagsimula lang naman yung kwentuhan namin sa pagbahing (sneeze) ko.. Sinabihan nya kasi ako ng isang salitang hindi ko naintindihan pagkatapos kong bumahing sa fx nya.. Ngumiti lang ako.. Hindi ko naman kasi alam na foreign language na pala yung ginamit nya.. Heheh.. kaya tinanong nya ako kung alam ko daw ba yung ibig sabihin nung sinabi nya.. At dahil sa hindi ko naman talaga narinig, eh sinabi ko nalang na hindi.. GOOD HEALTH daw yung meaning nun (yung sinabi nya) sa Israel.. Ganun daw kasi dun.. Pag may bumahing, sinasabihan ng ganun.. May hinala na ako na OFW sya, pero tinanong ko parin ang mama na siguro eh nasa mid-40’s na kung paano nya yun nalaman.. At tama nga ako.. Mga isang buwan pa lang daw sya sa Pilipinas.. Umuwi daw sya kasi namatay na daw yung batang inalagaan nya for six years.. Hanggang sa nauwi na yung kwentuhan namin sa buhay nya sa abroad dahil sa haba ng traffic sa East Ave. Sabi nya malaki daw ang kita dun at madali lang makapasok basta legal yung kukunin mong recruiter.. Hanggan sa sinabi nya nga sakin na i-try ko daw mag-abroad.. May kaibigan daw kasi sya doon na kagaya ko (DYOSA) at mas malaki daw ang sweldo nito kesa sa kanya.. Masyado nga lang daw maraming boyfriends.. Patuloy lang ako sa pagtatanong at sya naman sa pagsagot hanggang sa makarating na kami sa SM North.. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanya kaso hindi din naman ako backrider para makihitch sa kanya.. Saka wala akong balak maglakad ng mahaba kung sakaling lumagpas ako noh! Hahah!
Pero sa totoo lang, hindi lang naman sya ang kauna-unahang tao na nagsabi sakin nun.. Hindi lang isa o dalawang beses ko yun narinig.. Hindi ko na mabilang sa daliri sa dami..
“Sa foreigner ka nalang kasi.. Sigurado ako magkakaboyfriend ka ng foreigner.”
Yan yung lagi nilang sinasabi.. Sa tuwing may usapang jowa at pagiging single parin eh lagi yan nasisingit..
“Ayoko.. Mas gusto ko parin magmahal ng Pinoy.. Iba kasi yung konsepto nila ng pagmamahal.. Mas totoo.. Hindi kagaya ng mga foreigner na puro sex.. Saka mas gusto ko maranasan magmahal ang Pinoy..”
Yan naman yung walang sawa kong sinasabi..
Pero kanina lang.. Napaisip ako dahil sa kwento ni manong.. Naisip ko lang.. Tama pa ba yung paniniwala ko tungkol sa true love at Pinoy? Marami narin kasi nagsasabi sakin na sa mga Pinoy daw, walang nagtatagal na ganung klaseng relasyon.. At ang madalas na dahilan eh gamitan at paglalaro ng apoy.. Minsan gaguhan..
Sabi nung isa kong friend; “Ako nga mother, naglalabas parin ng pera.. Kahit sobrang haba na ng hair ko at merlad (babae) na merlad na, eh nagbibigay parin sa jowa ko.. Give and take din naman kami.. Naglalabas din naman sya.. Kaso, mas madalas na ako.. At sa huli, iniwan parin nyako.. Ganyan ata talaga..”
Halos kapareha sa sinasabi ng iba kong straight guy na friends.. Na kung staright daw ang guy, hindi talaga siya papatol sa DYOSA.. Maliban nalang kung sobrang mukhang babae na yung DYOSA.. Yung tipong halos wala nang bakas na dati syang kamukha ng kuya nya.. Pero kahit daw ganun, minsan, nauuwi parin sa hiwalayan..
At kahit naman naniniwala ako dun dati, eh mas naniwala parin ako na may staright guys parin na ganun.. Yung tipong mamahalin ka dahil talaga nabaitan sya sayo at minahal nya na yung pagkatao mo.. Yung yun dahilan kung bakit straight parin ang mas pinipili ko dating mahalin..
Hindi ko alam kung epekto ba ito ng mga blogs at ng mga napapanoood kong drama.. O kung stubborn lang talaga ako o dahil sobrang hopeless romantic (sometimes also called as EMO.. hehe) ko..
Ganun lang yung pinaniniwalaan ko.. “May pag-asa sa sa straight guys..”
Pero parang nag-iba na yung pananaw ko..
Hindi naman completely.. Pero may doubt nako ngayon kung totoo pa ba yon..
Hindi naman ako against sa mga BIs.. Hindi ko lang siguro nun trip yung eksena na “habang nakatitig ka kay crush #1 eh dadaan si crush #2 at sila ang maghoholding hands..” in short, hindi ko talaga talaga trip dati yung lalaking may gusto din sa lalaki.. Well I’m talking about my ideal romantic partner.. Admitted ko din naman kasi nun na hindi ko rin kayang ibigay yung pangangailangan ng isang BI.. Kasi ang gusto nya eh yung lollipop din.. Eh wala naman akong maihahain na ganun.. Hahah! Ang tingin ko nun sa kanila eh mga kaagaw..
Pero nagbago lahat nung dumating sya..
Ewan kung anung meron sya.. Pero ang alam ko lang, sya talaga yung dahilan kung bakit nagbago yung pananaw ko sa ganung relasyon.. Sya kasi ata ang kauna-unahang BI na narinig ko na ganun ka-loyal.. Yung tipong literally eh stick to one.. Imagine being able to keep a four-year relationship.. Ibang klase!
Sya yung tipong hinahanap ko sa straight guy.. Pero hindi sya straight.. Honestly, hindi talaga yung mga katulad ng type ko.. Ang gusto ko kasi, yung heartrob looking at lalaking lalaking ang dating..
Pero malambot sya.. Hindi nga lang kasing lambot ng spaghetti na gaya ko..
Walang dahilan.. Tumigil na kasi yung utak ko sa pag-iisip kung paano..
Basta ang alam ko nalang, gusto ko yung naramdaman ko..
I felt like I’ve found the lost piece of me.. Something that I’ve been looking for.. all my life.. Sya palang yung kauna-unahang taao na kung possible lang, eh handa kong tanungin ng “Will you marry me? Cause it’s YOU that I wanna spend my whole life with”.. Yung ugali nya kasi, (aside from pag medyo hindi sya nagpaparamdam at hindi ko alam kung anong tumtakbo sa isip nya..) eh yung ugali na kaya kong pakisamahan habang buhay.. Yung parang hindi ako takot na mag-aaway kami kahit araw-araw ko syang kasama.. Hahah..
Kanina nga, habang palabas nakoh ng SM North para pumunta sa trinoma eh napasulyap ako sa isang store sa itaas.. Napalingon ako ulit dahil sa nabasa kong pangalan.. Sebastian.. Kaya inakyat ko pa yung 3rd floor para lang kunan ng picture yung kiosk..
Bigla ko nalang sya namiss.. Iniisip ko na kung kasama ko sya, paano ko kaya idedeliver yung joke na itreat nya naman ako.. Kasi sya pala yung may-ari nung ice cream kiosk.. =) Kapangalan kasi nya.. =) Hindi ko alam kung nag-aassume lang ako.. Pero para kasing napaka dali nya lang patawanin.. Simple.. haha.. Though one time eh nacornyhan sya sa joke ko.. Sabi nya nga wag ko na raw yun uulitin.. Heheh.. Gustong gusto ko sya itext kanina.. Kaso naubusan ako ng load at hindi ko na kayang maghanap pa ng reload station dahil sa dala kong bucket meal.. Saka sabi ko, baka busy sya.. Nasa house kasi sya nf friend nya kanina.. Kaya eto.. Natext ko nalang sya pag-uwi ko gamit yung regular load.. Hindi kasi ako makapagregister sa COMBO20.. Hehe.. Kaso di sya nagreply.. Baka pagod na..
Tinanong ako nang kung sino; “Ano ba bumubuo sa buwan?
Sagot ko; “Hindi ko alam kung ano ang bumubuo sa buwan.. Pero ang sigurado ako, S’YA ang bumubuo ng araw ko..”
Hahah!
Sige,, Ayokong maiwanan ng buwan at maabutan ng araw.. :)
So I’ll go to sleep now.. BYEEEE!!
“I’m falling even more inlove with you..
Letting go of all I’ve held on to..
I’m standing here until you make me move..
I’m hanging by a moment here with you..”
I LOVE YAH! Mahal Kita! Wo Ai Ni!
Time finished 2:00 am, April 8, 2011
No comments:
Post a Comment
Hi! Thanks for visiting my blog.. Hope you can leave a word.. take care!