This blog is all about my thoughts.. It might sound or appear nonsense to some.. But for me, this is my secret best-friend.. To whom i can say everything.. It includes my opinions on some topics but mostly about love.. Hope that somehow, you will be able to relate to my ideas.. Your comments, questions or suggestions will be more than appreciated..
Thanks to kee for the inspiration..
VIRTUAL - Existing in the mind, especially as a product of the imagination. Used in literary criticism of a text.
Virtuality..
Dito lang ata sa bagay na to kami nagkaiba..
Sa halos lahat ng mga gusto at paniniwala eh parehas kami.. Maliban sa isang to..
Hindi sya naniniwala sa posibilidad ng ganung relasyon.. o kung naniniwala man syang merong ganun, eh hindi naman sya naniniwala na may seryoso o nagtatagal sa ganun.. Para sa kanya, hindi yon totoo.. "drawing" sabi nga nila..
Magkaiba kami.. Hindi sya naniniwala sa isang bagay na halos ituring ko nang mundo ko.. Isang mundo na kinabibilangan ko.. Isang mundo na para sakin ay buhay na buhay at hindi malayo sa katotohonan.. Isang mundong dati ko nang pinilit na iwanan..
Hindi naman sa kinukulong ko yung sarili ko sa isang mundo na kalokohan ang tingin ng iba.. Siguro naniniwala lang talaga ako na posible sya.. Na may seryoso at totoong pagmamahal na pwedeng magbunga sa loob non.. Naniniwala ako na hindi lahat nagtatagal sa ganung klase ng relasyon or cyber relationship.. Kasi alam ko, na yung mga totoong nagmahahal, hindi nakukuntento sa ganung klase ng mundo.. Dahil gumagawa sila ng paraan para makatawid sa kabila.. Sa mundong totoo and something that is beyond virtual.. Ang paniniwala ko kasi, sa kahit anung klase ng relasyon, nasa sa inyo kung magtatagal yun.. Depende kung gaano nyo pinahahalagahan yung relasyon at kung anong mga ginagawa nyo para ma-maintain yun.. Para sakin, walang problema sa long distance relationship.. Basta mahal nyo talaga ang isa't isa, magtatagal ka'yo.. Depende sa tiwala nyo sa isa't-isa at kung anung ginagawa nyo para kahit ma-cross yung boundaries of distance.. Kailangan strong kayo parehas..
Kaya siguro ganito ako.. Kasi hindi naman ako naniniwala na permanente ang cyberworld.. At alam ko na kung mahal ko yung tao, I could do everything so that virtuality would turn into reality..
For me, cyberworld is just the nursery where the seed of real friendship is planted.. Once it grows, you have to transfer it to a soil where it can continue it's growth and live its entire life..
Yun na siguro yung pinakamalapit na bagay na maihahalintulad ko sa mundong nagpapalakas sakin..
Hindi naman sa pinili ko dito.. Wala pa lang talaga akong kakayahan para hanapin yung taong kumokontrol sa laro ng mundo ko..
"A plan without an action is a dream.."
Isang quote na hindi ko maaala kung saan at paano ko nalaman..
Pero tama naman.. Walang pangarap ang magkakatotoo kung hindi ka gagawa ng paraan..
You are the sun
You are my life
And you're the last thing on my mind
Before I go to sleep at night
You're alwayz round
When I'm in need
When trouble's on my mind
You put my soul at ease
There is no one in this world
Who can love me like you do
So many reasons that I
Wanna spend forever with you..
Nahihiya ako kanya.. Sobrang apektado kasi ako.. Pakiramdam ko OA yung reaction ko.. I felt like dumagdag pako sa mga nang istorbo sa kanya.. Hindi ko manlang naramdaman na hindi na sya okay.. Na kagaya ng lagi nyang ginagawa, eh he's trying his best to conceal it nalang.. Hindi ko naman kasi alam eh.. Wala naman kasi syang sinabi..
Ang dami kong gustong sabihin ulit sa kanya.. Mga bagay na gusto kong patunayan sa kanya.. Mga bagay na gusto ko din munang mapatunayan sa sarili ko bago ko sabihin sa kanya.. Nakakatawa.. Pero it took me a while to be in this stage where I'm at now.. And now, that I'm here, I'm trying to get back to where I used to be..
Funny, but somehow, I'm wishing that he would see me as that someone that he never thought of me..
"pwamis ko, when we grow older and when I'm already strong enough, I'll search for you.. And I'll play the KNIGHT for you.."
isang promise galing sa mga bata.. isang line na sinabi at pinangako ko rin sa kanya..
"but I don't want us to have a HAPPY ENDING.. cause I don't want our story to have an END.."
Heheh.. At kung sa JUST FRIENDS or MORE than that or sa kung saan man kami mag-end, eh okay lang..Basta wag syang mawawala.. I'll close the book, and take his character with me..
The sun is up again..
After the cold and rainy weekend, maaliwalas na ulit yung paligid at bughaw na ulit ang langit.. Such a pleasant thing to think of.. But just when everything seems to turn perfect again, naghihintay lang pala yung isa pang bagyo para masira at mapa-dilim ulit yung paligid..
"It was a battle that started since man was created..
The battle between will and reality..
A battle that causes the destruction of one's heart..
And the victory to the sad reality.."
Kung gaano kalamig yung mga nakakaraang araw, ganun din kalamig yung mga kilos ko..
Kulang yung makapal na damit at kumot para pigilan yung lamig na pumasok sa katawan ko at pasukin yung puso ko..
Parang nananadya ata talaga tong bagyo.. Nakikisabay pa sa buhay ko.. Bibigyan ka ng liwanag pagkatapos ng bagyo.. Tapos hindi ka pa natutuyo, alam mo na agad na may parating ulit na isa pang bagyo,. Mas malakas pa! Langit nga naman.. Mahilig magbiro..
Kagaya nga ng sabi nila, mapipili mo kung saan mo gusto sumakay at kung sino yung gusto mo tabihan, pero hindi mo mapipili kung sino yung mga taong gugustuhing tumabi sa'yo..
Kung tutuusin, hindi naman talaga kasalanan ng daan kung may dead end man sya.. Lalo na kung binalaan ka pero hindi ka sumunod..
"Remove your mask and drop your sword..
The game is over.. And victory is not yours.."
Okay narin siguro umulan ulit ng malakas..
Basta sana, kasabay ng pagpaktak nya,
lahat ng luha ko sumama na..
Weekend nanaman! Well, eto lang naman kasi talaga yung day of the week na nakakapagsulat ako due to my heavy schedule..
Ayun.. The whole week in the office was fine.. I was late for 5 mins last Thursday.. But aside from that, everything went well naman.,
BLANK
Yan yung utak ko ngayon.. Sa totoo lang, kanina ko pa iniisip kung ano ba talaga ita-type ko.. Nung nakaraan lang, hinihintay ko yung weekend kasi ang dami ko sasabihin.. Pero parang lahat yata sila lumipad na.. Speechless na talaga..
Nagugulahan ako sa mga nararamdaman ko.. Pero sigurado ako, siya yung dahilan kung bakit mas buo yung pangarap ko ngayon..
Kasama ng pagkasigurado ko sa mga bagay na gusto kong mangyari, ay ang pakiramdam na hindi kami para sa isa't isa.. Sa maraming dahilan, hindi kami bagay.. Hindi ako yung taong kakailanganin nya.. Hindi ako yung tipo ng tao na magugustuhan nya.. Yung tipo ng tao na maipagmamalaki nya.. Yung taong mamahalin nya.. Masakit pero yun yung narealize ko..
Pero dahil din sa mga bagay na yun, bigla akong nagbago.. Nakakatawa kasi for many years, never ko na naimagine yung sarili ko na maiksi ulit ang buhok.. Na nakapanglalaki..
At hindi halata kung kumilos.. In short, discreet..
Isang bagay na plano ko nung high school pero di ko natupad..
Ngayon bumalik na yung idea na yun..
Isa syang panibagong tao.. Na naging dahilan para gustuhin kong bumalik sa dating ako..
Ewan ko kung mahal ko ba talaga sya kaya ko to ginagawa or what..
Naguguluhan talaga ako kung ano ba tuloy yung gusto ko para sa sarili ko.. Nasanay na rin kasi ako na ganito ako.. Mas madalas halata kesa sa hindi.. Wala naman masama sa pagiging obvious or kahit sa pagiging effem pa.. Hindi ko lang talaga alam kung ano ba talaga ngayon yung gusto ko..
Rain falling on a summer day..
Just like how we are not used to rainfalls during summer, ganun din yung pakiramdam pag wala sya.. Parang gusto kong isipin na hindi nangyayari..
I'm missing him.. Pero alam ko masaya naman sya dahil kasama nya yung taong mahal nya..
Weekend.. Sa totoo lang, maliban sa idea na makapagpapahinga ako, eh sya lang yung dahilan kung bakit excited ako na dumating yung tong araw na to..
For the first time, nahihirapan akong iexpress yung sarili ko..
Ewan ko kung bakit.. Kaya sa mga songs ko nalang sya idadaan..
"Jealous of the guy who caught your eye
One of my darker days
When you looked at her where was I?
Shoulda been in his place
Here I am
All alone imagining what might have been
What could have been
If I had been there.."
Umuulan ng malakas.. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or malulungkot.. Bukod kasi sa stargazing, eh ang maligo sa ulan ang isa sa mga pangarap kong gawin kasama ang taong mahal ko.. Para siguro sa iba, corny yun.. Pero para sakin, romantic yung tawag dun.. Sayang di ko ata magagawa yung mga yun kasama sya.. At napakarami pang bagay na gusto kong magawa..
Zzzzz..
Unfortunately, nakatulog nanaman ako habang nagtatype.. Mabuti hindi sumabog yung netbook ni tito.. Hahah!
Nakatulog ako nung siguro mga 4pm na.. then nagising ulit ako 9pm na ata.. Then I was watching Pilipinas Got Talent.. Suddenly, naalala ko sya.. Yung song kasi na kinanta nung isang band na contestant eh "breakeven" by The Script.. At sya kaagad ang pumasok sa isip ko.. Naging fave ko kasi yung band and song na yun dahil sa kanya.. :)
Then I remembered that I still have something to continue.. At eto yun.. heheh..
I was talking to a friend kanina before ako makatulog.. It was Rj, my friend from my previous company.. I just learned that one month na pala syang nakaleave.. Ayun.. Nagpagaling at nagpaganda pa ang hitad.. Hahah! Then I just remembered, almost three months na rin pala kaming magkakilala ng loLOVEs ko.. Nakakatuwa lang..
At eto.. Paulit-ulit kong sinasabi na namimiss ko na sya.. I just remembered the nights na nagpupuyat kami.. Hahah! Though late naman talaga ako lagi natutulog nun for no particular reason..
"Wherever you go,
Whatever you do,
I will be right here waiting for you.."
Hehe.. Old school.. Yan kasi yung tumutugtog sa PC.. Eh tama naman yung lyrics.. Ayun.. Sapul! Haha!
Mothers' Day nga pala ngayon.. Di manlang ako nakabili ng gift for my mom.. I'll try to give her nalang one this week.. Haaay.. I LOVE YOU MOM!
Back to my loLOVEs, mahal ko talaga yun.. Kaya nga kahit na mahirap gawin, eh tiniis kong wag syang itext.. Baka kasi kasama nya yung mahal nya..
"I wish you'd look at me that way
Your beautiful eyes looking deep into mine
Telling me more than any words could say
But you don't even know I'm alive
Baby, to you all I am is the invisible man
Oh, you don't see me baby.."
Kagaya nga ng lagi kong sinasabi, maliban sa kanya, wala na ata akong maimagine na ibang tao na kayang makapagpabago sakin kagaya ng ginawa nya.. At bukod sa kanya, wala na akong ibang gustong makasama..
"I just wanna love you forevermore
And I wanna hold you just like before
And maybe someday we might just find a way
And we can love forevermore.."
(Since it is Mothers' Day nga ngayon, eh hindi ko naman natiis na wag syang itext and greet her mom for this special day.. as if naman mababasa ng mom nya.. Haha! And ayun.. I wasn't expecting pero nagreply sya.. It was just an acknowledgement of my text.. And a simple "how are u?" pero it means a lot to me na..)
"Is it okay if I call you mine?
Just for a time
And I will be just fine
If I know that you know that I'm
Wanting , needing your love
Oh
If I ask of you is it all right
If I ask you to hold me tight
Through a cold, dark night
'Cause there may be a cloudy day in sight
And I need to let you know that I might
Be needing your love
Oh"
Mukhang kailangan ko na ata talaga magpack-up.. Kasalanan ko naman talaga.. He gave me a warning naman.. Simula palang, sinabi nya na sakin lahat.. Pero I spoiled the feeling.. I let it bloom and get deeper.. When I started to fall, I never reached the bottom.. I never stopped falling for him..
But I'm not regretting it.. And I never will..
"Boy you upset me.. And then you kiss my lips,
All of the sudden I forget, that I was upset.. Can't remember what you did.."
Para talagang syang roller coaster ride (ehem? haha!).. Pag andyan sya para akong lumulutang.. Pag wala naman sya, para parin akong lumulutang.. Pero nakatiwarik (inverted) haha! Darating din siguro yung time na matatanggap ko na he's not for me.. Pero kung hindi man yun darating or baka matagalan lang, eh ayos lang.. Masaya naman eh! Worth it yung ticket kahit 5-minute ride lang..
"The ride with you was worth the fall my friend..
Loving you makes life worth living.."
Ewan ko kung talgang sakto yung yung mga songs sa background para sa emotions ko, or kung talgang nirerelate ko lang silang lahat sakin.. Heheh!
"Close your eyes..
Dry your tears,
Cause when nothing, seems clear,
You'll be safe here.."
Yan yung last song na dinedicate or sinend ko sa kanya last night.. Yep! Nagkatext kami.. Big deal no? Hahaha! (for sure nagfrefreak out nanaman yun ngayon kung nababasa nya to..) Simpleng kamustahan lang.. Pero big deal talaga para sakin.. Hello?! Namiss ko kaya yun!! :)
"nababaliw na ako..
sa iyo.. ako ay litong-litong..
naloloka.. sa kaiisip sa'yo..
sa'yo.."
One of the songs na nagdedescribe sa akin..
OO na.. Crazy na.. Heheh..
Ako: Nababaliw na ako.. Sa iyo..
Ako ay litong-lito.. Naloloka.. Nahihibang..
Sa kaiisip sa'yo.. Sa'yo..
Sya: Huh! Adka! Nababaliw talaga?
Hahah! Di ko na maalala yung exact na conversation.. Pero parang ganun din yun..
Ang ganda ng sagot nya diba? Toinx! Haha! Funny lang..
Pero ewan ko.. Baliw nga ata talaga ako.. Dahil lang sa nagtext sya kagabi eh halos nahirapan ako matulog.. And worse, I couldn't stop smiling.. :)
He never fails to make me smile for no reason.. Well, there is a reason.. Yung text nya of course.. It's not that I really can't smile pag di sya nagtetext..
Pero mas totoo yung smile ko pag sya yung kausap ko.. Mas masarap sa pakiramdam.. Mas matagal at magical yung effect.. Swiiiiish! Cling ding! (magical sound effects.. Heheh..) Iba yung kilig.. Heheh.. Very high school.. :) Pero okay lang.. Wink! *_*
I LOVE SUNDAY!
Haha! Yan kasi madalas yung araw na nakakatext ko sya.. Haha.. Last night ng offdays ko.. Ayun.. Kumpleto na yung weekend ko.. :)
Nakakahiya kasi sabihin kaya idadaan ko nalang ulit sa song;
"you would always ask me,
Those words I say.. Keep telling me..
What it means to me..
Every single day.. You always ask this way..
For how many times I told you,
I LOVE YOU.. for this is all I know.."
So ayun.. That's the song that I kept on singing this week..
Ang daming kong tanong na hindi pa nasasagot..
Pero sa ngayon, I'll leave them behind..
Masaya na akong sigurado ako sa isang bagay..
hello! kamusta? well today is may 2 2007 (wednesday).. well nothing unusual today.. patuloy parin ang paglalaro saNSTP.. kaasar hanggang next week pa kami! kahapon fiesta. at yung mga inaasahan kong bisita ay hindi nagpakita (nagtago yata sa puno).. well ayun,, nung umaga, we were so busy.. kaasar nga rin yun eh! di tuloy akoh nakapanood ng tv..heheh wa kami katulong eh (akoh lang ginagawang katulong…as if) nung tanghali,,napilitan akong magingTAGA-SILBIwhile cleaning the CR and banyo,, at take note di pa akoh naliligo nung mga oras na yun! yuck bah? hahahah.. then after mag-alisan nung mga visitors at guests at friends at everything ni mama,,naligo narin akoh because i was anticipating some visitors,,tapos inugat na ako’t tinubuan ng dahon eh walang kahit isang bisita koh ang dumating (ang babait!!) haaaaaaaaay.. tapos may mgaDKT(Di-Kilalang Tao) pa na nga-vivideoke.. at take note inangkin nila yung videoke for the whole afternoon at evening!!! di nga namin sila kilala eh!! di koh nga alam kung saan gawa yung mga mukha nila eh!!! kung saADOBEba o saSEMENTOang kakapal eh! tapos may asawang tao eh akala mo super dalaga!! haay.. bahala nga sila!! kanila namang kahihiyan yun eh! basta akoh,, andun lang akoh at hinihintay na ma-uwian na sila nang makatulog na kami! geh till here,, wa na time eh!!PS:di manlang sila nag-thank you.. hahaha basta akoh masaya na akoh sa buhay koh.. kaya ko namang mabuhay ng wala ka eh! di ka HANGIN noh!! heheheh geh na talga.. yngat!!
hi! today is may 29.. i should be doing my assignment right now.. but here i am.. doing all this craps.. today is also the last day of our NCM 103 RLE.. and i must say, it feels good that finally, our TOXICITY is ending.. but it feels so weird.. i’m also feeling bad about it.. MAybe it’s because we’re about to part ways..(my 103 classmates) i honestly thought before that this rotation would be the most non-sense of all.. but i was wrong.. obviously.. i’m starting to miss my classmates even before we part ways.. im gonna miss their supah crazy attitudes, their evil laughs, and their most degrading pang-ookray… hahah!! uhmm that’s it for today.. yngatz!!
May 28th, 2009 at 4:40 pm
hi! today is march 29 2007.. nothing unusual happened.. first i woke up around 12:00 noon (maaga na un!).. tapos nagligpit, nagtiklop whatever ng damitz.. then i ate lunch.. i made gala.. i watched tv for a while and then i was forced to take a bath nah (dapat later pah eh!) and go to Valley High (my former shool) to meet my sis’ teachers.. then luckily,, my sis would be included in the graduation march.. then etoh nah.. i’m chatting, surfing.. and everything!!!! nah.. geh bye!!!
Labor day..
One of busiest days for us..
Barangay Fiesta kasi..
Ayun.. We had to wake up early para makatulong sa paghahanda..
Funny kasi parang sa buong street namin, kami lang ata ang nagcecelebrate..
No choice eh.. May mga kaibigan/co-workers kasi si Mama na nakaguest list ata na automatic na na pumupunta yearly..
Which is also the same reason why we have to rent a videoke machine.. Feeling ata kasi nung mga bisita,
requirement sa fiesta ang videoke.. Hahah!
Ayun.. Di nako nag-invite ng friends kasi tinatamad akong mag-effort.. Heheh..
Anyways, it's been a tough and restless week for me..
Since Monday eh laging 4-5 hrs lang ata ang tulog ko..
I came late and had to stay late in the office nung first day to fill some forms..
Tapos nung Tuesday,di naman ako late.. But I still had to stay sa office aftershift dahil sa mga di ko na maalalang reasons.. Nung Wendesday naman, napakaridiculous nung transportation kasi I had to wait for more than 30 mins para sa jeep..
Then come Thursday na, I wasn't late na but I had to take a cab para umabot.. Then we had a fair pala..
So 30 mins before break, pinayagan kami nung trainer to go the fair for 45 mins pero included na dun yung break namin..
Kaso nadikitan ng cotton candy yung hair ko kaya we entered the room na 3 mins late.. Ayun.. Another corrective points nanaman.. At dahil nga stressed ako dahil may penalty nanaman ako, eh I forgot to leave my phone sa locker na.. Then my phone which was not in silent mode sunddenly rang habang nagdidiscuss so trainer.. So syempre I had to stand up and put my phone in the locker.. At sa sobrang pagmamadali, I forgot to lock my PC.. Eh bawal yung.. So minus 100 nanaman sa team points namin.. So when she said that I left my PC unlocked, I ignored her nalang and went straight to my locker.. Ayun.. Sabi tuloy nung mga co-trainees ko, ang bitchy ko daw.. Tapos I had to go to BIR pa after shift kaya 3pm nako nakatulog..
Nung Friday naman, I had to wait till 2pm pa to get my first paycheck.. Tapos syempre we had to encash it pa..
So 5pm nakoh nakatulog.. Kaya ayun.. late nanaman ako that night..
I was so afraid nga kasi aabot na ng two points yung corrective action points ko.. Eh sabi pa naman ni trainier, pag daw umabot na ng two points yun, kahit makabenta ako pag nagsales na kami, eh di ako makakatanggap ng incentives..
Sobrang tahimik ko tuloy the whole shift.. Buti nalang pinalagpas nya yung pagiging late ko that day..
Pero di lang naman yun dahilan why I was silent..
Feeling ko kasi nag-iisa ako dahil parang di kumakampi sakin yung ibang co-trainees ko..
Tapos yung kaisa-isang bagay na nagpapsaya sakin, pakiramdam ko wala pa..
Honestly, di ko alam kung anung nangyari.. Kung natuloy man yung reconciliation nila, syempre magiging masaya naman ako..
Yun din naman kasi yung wish ko eh.. It so happened lang na di ko alam kung ano ba talaga.. Di kasi sya nagpararamdam..
Although isa na rin sigurong dahilan yung namimiss ko sya.. And I understand naman kasi di naman talaga nya responsibility na iupdate ako or whatever.. Nagtatampo lang din siguro ako kasi hindi nya pa kinukwento sakin kung ano yung nangyari nung last time na magkatext kami.. But somehow, I'm trying to understand.. Kasi yun din naman yung lagi ko sinasabi sa kanya.. Na I won't ask him for anything.. At kahit naman anong mangyari, eh sigurado akong di sya mawawala sakin.. Kasi parte na sya ng buhay ko..
Eto lang ata yung weekend na hindi ko sya nakausap.. Haha! Hindi ko maiwasang magselos kahit friends lang kami.. Feeling ko kasi one of the reasons kung bakit di sya makapagtext eh dahil kay BF nya.. Pero kung ganun nga, okay lang.. Gusto ko talagang maging masaya sya.. Sabi nga sa kanta ni KC C..
"Makita lang kitang masaya..
Para ring tayo na
Titigil na rin sa pagluha ang aking mga mata
Makita lang kitang masaya
Para ring tayo na
Tayo na..."
Ayun.. Nakakamiss lang.. :)
In the end, kahit anong mangyari, ganun parin yung feelings ko para sa kanya.. Mahal ko parin sya..
At masaya ako sa pakiramdam na yun..
"Happiness isn't always about getting the person you want or love.. Sometimes, it could be acquired by knowing that, that person is happy.. Even if it means not being with you.."
Soapdish-Ewan ko
Napapansin mo na yata
Nakakahiya naman
Gusto lang naman kitang pigilan
Chorus:
Napapalingon tuwing ika’y dumadaan
Napapangiti, hindi ko alam ang dahilan
Alam kong hindi pwepwedeng maging tayo
Pero minsan nag-iiba ang ikot ng, ang ikot ng mundo