Tuesday, May 10, 2011

Virtual Reality

VIRTUAL - Existing in the mind, especially as a product of the imagination. Used in literary criticism of a text.

Virtuality..

Dito lang ata sa bagay na to kami nagkaiba..
Sa halos lahat ng mga gusto at paniniwala eh parehas kami.. Maliban sa isang to..

Hindi sya naniniwala sa posibilidad ng ganung relasyon.. o kung naniniwala man syang merong ganun, eh hindi naman sya naniniwala na may seryoso o nagtatagal sa ganun.. Para sa kanya, hindi yon totoo.. "drawing" sabi nga nila..

Magkaiba kami.. Hindi sya naniniwala sa isang bagay na halos ituring ko nang mundo ko.. Isang mundo na kinabibilangan ko.. Isang mundo na para sakin ay buhay na buhay at hindi malayo sa katotohonan.. Isang mundong dati ko nang pinilit na iwanan..

Hindi naman sa kinukulong ko yung sarili ko sa isang mundo na kalokohan ang tingin ng iba.. Siguro naniniwala lang talaga ako na posible sya.. Na may seryoso at totoong pagmamahal na pwedeng magbunga sa loob non.. Naniniwala ako na hindi lahat nagtatagal sa ganung klase ng relasyon or cyber relationship.. Kasi alam ko, na yung mga totoong nagmahahal, hindi nakukuntento sa ganung klase ng mundo.. Dahil gumagawa sila ng paraan para makatawid sa kabila.. Sa mundong totoo and something that is beyond virtual.. Ang paniniwala ko kasi, sa kahit anung klase ng relasyon, nasa sa inyo kung magtatagal yun.. Depende kung gaano nyo pinahahalagahan yung relasyon at kung anong mga ginagawa nyo para ma-maintain yun.. Para sakin, walang problema sa long distance relationship.. Basta mahal nyo talaga ang isa't isa, magtatagal ka'yo.. Depende sa tiwala nyo sa isa't-isa at kung anung ginagawa nyo para kahit ma-cross yung boundaries of distance.. Kailangan strong kayo parehas..

Kaya siguro ganito ako.. Kasi hindi naman ako naniniwala na permanente ang cyberworld.. At alam ko na kung mahal ko yung tao, I could do everything so that virtuality would turn into reality..

For me, cyberworld is just the nursery where the seed of real friendship is planted.. Once it grows, you have to transfer it to a soil where it can continue it's growth and live its entire life..

Yun na siguro yung pinakamalapit na bagay na maihahalintulad ko sa mundong nagpapalakas sakin..
Hindi naman sa pinili ko dito.. Wala pa lang talaga akong kakayahan para hanapin yung taong kumokontrol sa laro ng mundo ko..

"A plan without an action is a dream.."

Isang quote na hindi ko maaala kung saan at paano ko nalaman..
Pero tama naman.. Walang pangarap ang magkakatotoo kung hindi ka gagawa ng paraan..

You are the sun
You are my life
And you're the last thing on my mind
Before I go to sleep at night
You're alwayz round
When I'm in need
When trouble's on my mind
You put my soul at ease
There is no one in this world
Who can love me like you do
So many reasons that I 
Wanna spend forever with you..


Nahihiya ako kanya.. Sobrang apektado kasi ako.. Pakiramdam ko OA yung reaction ko.. I felt like dumagdag pako sa mga nang istorbo sa kanya.. Hindi ko manlang naramdaman na hindi na sya okay.. Na kagaya ng lagi nyang ginagawa, eh he's trying his best to conceal it nalang.. Hindi ko naman kasi alam eh.. Wala naman kasi syang sinabi..

Ang dami kong gustong sabihin ulit sa kanya.. Mga bagay na gusto kong patunayan sa kanya.. Mga bagay na gusto ko din munang mapatunayan sa sarili ko bago ko sabihin sa kanya.. Nakakatawa.. Pero it took me a while to be in this stage where I'm at now.. And now, that I'm here, I'm trying to get back to where I used to be..
Funny, but somehow, I'm wishing that he would see me as that someone that he never thought of me..

"pwamis ko, when we grow older and when I'm already strong enough, I'll search for you.. And I'll play the KNIGHT for you.."

isang promise galing sa mga bata.. isang line na sinabi at pinangako ko rin sa kanya..

"but I don't want us to have a HAPPY ENDING.. cause I don't want our story to have an END.."

Heheh.. At kung sa JUST FRIENDS or MORE than that or sa kung saan man kami mag-end, eh okay lang..Basta wag syang mawawala.. I'll close the book, and take his character with me..

3 comments:

  1. I've been to a long distance relationship... Yes, I've tried it... and reality bites, it sucks... I'm the type of person who would like to search for the real slash true love. and during that time i thought, perhaps , that he's the one for me... though everything seems perfect, I should admit the fact that I'm loving a person who's million miles or kilometers away from me. Hindi pa kami nagkikita in person... and that made me realize na, mukha lang yata akong tanga... i gave up our relationship. and i'm regretting it 'til now...

    ReplyDelete
  2. aw.. yun yung ayokong gawin.. to let him go.. kasi hindi ko rin kaya.. :(

    Thanks for the comment kee!

    ReplyDelete

Hi! Thanks for visiting my blog.. Hope you can leave a word.. take care!