Nakakapagod..
Yung tipong gusto mo nalang matulala pero pakiramdam mo, kahit gawin mo yun eh mapapagod ka parin at hindi titigil yung utak mo sa pag-iisip ng solusyon sa mga kung anu-ano mong problema..
Sabi nila masaya daw ang buhay estudyante.. Well yes.. I must say madalas oo..
But in my case, hindi ang isasagot..
Maging estudyante at mag-aral, oo masaya..
Maging estudyante, part-time worker, at magtrabaho kasabay ng pag-aaral, hindi..
Yung tipong gusto mo na tumigil kasi sobrang pagod na yung utak at katawan mo pero alam mo na kapag huminto ka sa isa eh masasayang lahat ng pinaghirapan mo.. Yung wala ka masisi sa kondisyon mo.. Ayaw mong sisihin ang sarili mo pero hindi mo rin pwedeng sisihin ang mga magulang mo.. Ewan ko nalang kung gustuhin mo pa gumising.. Mahirap pala talaga ang tunay na maturity stage.. Lalo na kung biglaan..
No comments:
Post a Comment
Hi! Thanks for visiting my blog.. Hope you can leave a word.. take care!