1:45 pm
I got up late..
I woke earlier pero wala akong ganang bumangon..
Balik nanaman ako sa ganito.. Babangon lang pag napagod na yung katawan sa kakahiga, pag nagagalit na sila mama, at pag kailangan na..
Ilang weeks narin na maaga akong nagigising.. Hindi dahil sa kailangan ko, or dahil sa may gagawin ako.. Isa lang naman talaga yung alarm ko eh,. Yung text nya.. Yung tipong kahit ata 4 hours palang yung tulog ko eh gigising ako para lang replyan sya.. Tapos hindi na ako matutulog kasi hinihintay ko yung text nya ulit.. Araw araw ganun yung routine.. Gigising sa umaga pag nagtext na sya, maghihintay naman na matulog sya, or sometimes na matulugan nya ako, bago ako matulog sa gabi..
Para sakin, okay lang kahit na sa isang buong araw eh sya lang ang magtext.. Kahit nga nagmumukha akong ewan na nakasmile palagi habang nakatitig sa cellphone ko..
May nagbago ba? Or paranoid lang talaga ako? Pakiramdam ko kasi, hindi na sya kagaya ng dati.. Noon kasi, lagi nya akong binabati sa umaga pag nakatulugan nyako sa gabi.. Sinabi naman nya na busy sya.. Pero ewan ko.. Pakiramdam ko talaga, something has changed.. I keep on thinking na it was because of what happened last night.. Nadisappoint ko ba sya dahil dun? Sana naman hindi iyon yung dahilan.. Naiiisip ko tuloy, sana, hindi ko nalang sya tinawagan..
Okay narin naman ako kahit papano.. Iniisip ko nalang na hindi talaga kami para sa isa't isa.. Na sometimes, friends are meant to be JUST friends.. Ganun nalang..
Wala naman masyado nagbago sakin.. Wala naman problema.. Kagaya nalang ulit ng dati.. Hindi malungkot.. Yun nga lang, hindi rin masaya..
Ewan ko.. Kahit kasi decided nako na tigilan na sya, parang mas gusto ko parin na sabihin na sa kanya na mahal ko na sya.. Ganun talaga kasi ako.. Pag minahal ko, gusto ko malalaman nya yung feelings ko.. Pero, paano kung mas lalo syang lumayo? kaya ko kaya?
Haaay.. Lalo lang gumugulo ang isip ko kasabay ng pagkulo ng tyan ko dahil sa gutom.. :)
Dahil sa gutom ko, naisip ko tuloy.. Sana yung love parang gutom lang.. Na pag na pag naramdaman mo, madali lang masosolusyunan ng tindahan..
April 2,2010
No comments:
Post a Comment
Hi! Thanks for visiting my blog.. Hope you can leave a word.. take care!