Hi there! Eto nanaman ako.. :)
Sa totoo lang, nakakasulat lang naman ako pag higit
kesa normal yung emotions ko.. Pag depressed, inlove,
excited, infatuated, or pag inspired.. But most of the
time, i write because i'm feeling down..
Nakakaasar.. Kasi kahit naka-set na yung mind ko na
darating din naman yung taong para sakin, eh hindi
ko mapigilang magmadali..
Hindi ko alam kung pagmamadali ba to, o sadyang
dumating sya para mahalin ko kahit di sya yung tamang tao?
Bago sya dumating, okay naman ako.. Pakiramdam ko
nga, kahit mamatay ako nun, okay lang.. Kasi parang
walang purpose yung buhay ko.. Yung tipong nabubuhay
nalang ako araw araw para sa pamilya ko.. Yung ang
naiiisip ko eh; "kailangan kong mabuhay kasi kailangan
nila ako".. Pero ngayon, masaya akong gumigising sa
araw araw kasi excited akong magparamdam sya.. Para
nanaman akong nasa roller coaster nito.. Yung text
nya, yun yung trails kung saan nakapende yung pagbaba
at pagtaas ng emotions ko..
INSPIRED nanaman ako.. Ang problema lang, everytime na
nagkakaganito ako, mabilis din akong madepress..
(funny kasi as i was typing this, tumunog yung phone
ko.. naexcite pako.. pakiramdam ko kasi, sya yung
nagtext at hindi pa sya tulog.. kaso mali eh.. yung
tito ko hinihiram tong notebook na pinagtytype-an ko..)
Hindi naman ako takot magmahal dati eh.. Hindi
naman talaga kaduwagan yung tawag dun.. Lagi kong
sinasabi na it's called "self-preservation".. Pero
ngayon, hindi nakoh sigurado.. Siguro kasi dahil
sa sobrang dami na ng unpleasant experiences ko,
kaya parang ayaw ko na rin magtake ng risk..
I was thinking kung dapat ko bang ipagpatuloy yung
"self-preservation theory" ko, or dapat pabayaan ko
nalang yung sarili kong mahalin sya..
"Naging madali siguro para sakin kung naging mahirap kang mahalin.."
Sa totoo lang, hindi naman ako nasasaktan dahil may
ginawang syang mali (well siguro somehow it took part in hurting me)..
Nasasaktan ako kasi pinili kong subukan na mahalin sya at baliin
yung nauna ko nang paniniwala, tapos hindi pako
nagsisimula, malalaman ko nalang na sana pala, hindi
ko nalang itinuloy..
Sabi nga; "You lost it, before you even got it.."
Ewan ko.. Siguro mabuti narin na at this early eh
masaktan nako para di ko na paasahin pa yung sarili ko
in the future.. Di lang din naman kasi yung feellings
namin ang problema eh.. Kung naging mutual man yun,
marami parin magiging obstacles samin.. Mga bagay
na hindi ko alam kung kaya ko pang panindigan..
Dati pinagmamayabang ko yung sarili ko kasi alam kong pag
pumasok ako sa relasyon, hindi magiging ako yung
dahilan ng hiwalayan namin.. Na lahat ng problema
malalagpasan namin kasi strong ako at ako ang
magsasalba sa relasyon.. Pero ngayon, parang mali..
Parang hindi ko na kaya.. Parang hindi ko pa pala
kaya..
Bago ko tapusin to, isa lang ang naisip ko..
"Naging mahina ba ako dahil hindi ko pa talaga kayang manindigan?
O naging mahina ba ako dahil inalis na yung
paniniwala ko ng mga tao sa nakaraan ko?.."
No comments:
Post a Comment
Hi! Thanks for visiting my blog.. Hope you can leave a word.. take care!